Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-8 ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Palapag, Northern Samar.
Sa isinagawang distribusyon, nakapamahagi ang DSWD ng mahigit 25.4 million pesos na ECT sa 8,368 na mga benepisaryo sa Palapag.
Ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre.
Ayon sa pinakahuling datos, nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit 66.6 million pesos sa 21,918 na mga benepisaryo mula sa bayan ng Palapag, Lavezares, at San Jose.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang mga isinasagawang payout sa iba pang mga munisipiyo.