IBINASURA ng Sandiganbayan 3rd division ang mosyon ng kampo ni dating Senator Bong Revilla na humihiling na mailipat siya sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame.
Sa desisyon ng anti-graft court, sinabi nitong walang legal na basehan ang iginigiit ng kampo ng dating senador na may banta sa kaniyang pananatili sa New Quezon City Jail Dormitory.
Dahil sa desisyon ng Sandiganbayan ay mananatili sa New QC Jail sa Payatas ang dating senador.
Ibinasura din ng korte ang hiling ni Revilla na ibalik sa Office of the Ombudsman ang kaniyang kaso para sa reinvestigation.




