22 January 2025
Calbayog City
National

Hirit na dagdag-pasahe sa jeep, nirerebyu pa ng LTFRB

ISINASAILALIM na sa review ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng itaas sa kinse pesos mula sa kasalukuyang trese pesos ang pasahe sa tradisyonal na jeepney.

Ipinaliwanag ng LTFRB kailangan ng balanse sa pagitan ng pagtugon sa concerns ng jeepney drivers at operators at proteksyonan ang ang kapakanan ng mga commuter na maaapektuhan din ng panukalang dagdag-pasahe.

Idinagdag ng ahensya na masusi nilang pinag-aaralan ang petisyon, kasabay ng pagtiyak na iku-konsidera ang lahat ng mahahalagang factors, gaya ng fuel price trends, inflation rates, at overall economic impact sa riding public.

Magbibigay din ng katiyakan ang isasagawang public hearings at consultations upang magarantiyahan ang transparency at inclusivity sa kanilang magiging desisyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).