ARESTADO ang isa umanong leader ng New People’s Army (NPA) sa operasyon ng militar sa Barangay Malidong, Gamay, Northern Samar.
Kinilala lamang ang suspek sa Alyas “Ahon” na umano’y nagsilbing Vice Squad Leader ng Regional Guerilla Unit (RGU) sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Nagsagawa ang mga miyembro ng 52nd Infantry Battalion ng operasyon matapos matanggap ang reports mula sa concerned citizens.