1 July 2024
Calbayog City
National

Hiling na extradition ng Pilipinas para kay dating Cong. Teves, inaprubahan ng Timor-Leste

INAPRUBAHAN ng Timor-Leste ang hirit ng Pilipinas na i-extradite si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ayon sa Department of Justice, ang magandang balita ay ipinarating sa kanila ng Attorney General ng Timor-Leste.

Sa statement, inihayag ng DOJ na aabangan nila ang pagbabalik sa bansa ni Teves para harapin na rin nito sa wakas, ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Samantala, inihayag naman ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, na maari pang i-apela ng kanyang kliyente ang desisyon ng Timor Leste, at mayroon pa silang option na political asylum.

Ang expelled congressman at ilan pang personalidad ay nahaharap sa mga kasong murder kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong 2023.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *