MAGDE-DEPLOY ng mahigit 50,000 na tauhan ang Philippine National Police para sa mga isasagawang pagtitipon sa September 21.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang mga ide-deploy ay aatasang tiyakin ang police visibility, maging bahagi ng standby units, tumulong sa pag-mando ng traffic, magtalaga ng checkpoints, at border control.
Sinabi ni Remulla na trabaho ng PNP na tiyaking walang magaganap na kaguluhan sa mga pagtitipon.
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Ani Remulla, hindi pipigilan ng mga pulis ang isasagawang protesta dahil pinapayagan naman ang ganitong uri ng pagtitipon basta’t may karampatang permit.
Umaasa din si Remulla na isasagawa ang protesta sa mapayapang paraan.
Libu-libong raliyista ang inaasahang lalahok sa protesta na idaraos sa EDSA at sa Luneta.