Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang high-grade marijuana resin na itinago sa loob ng bote ng Keratin Hair Treatment.
Dahil sa derogatory report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), binantayan ang bagahe at isinailalim sa X-ray scanning kung saan nakita ang mga kahina-hinalang imahe.
ALSO READ:
Goitia dinepensahan ang Unang Ginang: Ang Integridad ay Hindi Dapat Hinuhusgahan Batay sa Tsismis
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Sa ginawang physical inspection, nakita sa loob ng bagahe ang jersey shirts, garlic salt, at isang plastic bottle ng Keratin Oil.
Nang isinailalim sa field testing ay nakumpirma ang presensya ng cannabinoids. Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa bagahe dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act, in relation to R.A. No. 9165.