Siyam na weightlifters, sa pangunguna ni Olympian Hidilyn Diaz-Naranjo, ang sasabak sa Southeast Asian Games sa Thailand sa susunod na buwan.
Mapapanood si Diaz-Naranjo, na nagbigay sa bansa ng unang gold medal sa 55-kilogram category sa Tokyo Olympics, sa 58-kilogram category sa Disyembre.
Una nang nasungkit ni Hidilyn ang back-to-back gold medals sa SEA Games na ginanap sa Pilipinas noong 2019 at Vietnam noong 2021.
Gayunman, hindi siya nakapaglaro sa Cambodia Edition noong 2023 para mag-focus sa Asian Championships, na isa sa qualifying events para sa 2024 Paris Olympics.
Kabilang din sa roster sina Rosegie Ramos, Jhodie Peralta, Elreen Ann Ando, Kristel Macrohon, Fernando Agad Jr., Dave Lloyd Pacaldo, Albert Ian Delos Santos, at John Dexter Tabique.




