POSITIBONG tinanggap ng aktres na si Kylie Padilla ang pag-amin ni AJ Raval na mayroon na itong mga anak sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.
Kahapon ay kinumpirma ni AJ na mayroon na itong limang anak, at tatlo rito ay kay Aljur.
ALSO READ:
Rochelle Pangilinan, nagbabala laban sa fake Sexbomb Reunion Concert tickets
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Kylie ng maikling statement kung saan sinabi niyang matagal na niya itong alam, subalit inuna nila ang kapakanan ng mga bata.
Idinagdag ng aktres na ang importante ay close ang magkakapatid.
Masaya rin si Kylie dahil hindi na kailangang magtago at proud siya kay AJ.
Kasabay ng hiling na peace all around, sinabi ni Kylie na sana ay matapos na ang drama.
