MAYROON pang dalawang tournaments na kailangang lusutan si Hidilyn Diaz-Naranjo para sa kanyang bid sa unprecedented na ika-limang sunod na Olympic Games.
Dapat ay ma-maintain ng Tokyo Olympic Gold Medalist ang kanyang status sa International Weightlifting Federation Grand Prix na magsisimula ngayong lunes sa Doha, Qatar, upang manatili sa contest.
Si Hidilyn ay pang-pito sa women’s 59-kilogram category kung saan ang top 10 lamang matapos ang limang qualifying meets ang aabante sa Paris Summer Games sa susunod na taon.