NAPILITANG magsara ng isang araw ang Hello Kitty Theme Park sa Tokyo matapos makatanggap ng terror threat.
Ayon sa statement na naka-publish sa official website ng parke, natanggap nila ang pagbabanta sa pamamagitan ng email noong sabado.
Ang Sanrio Puroland, na kilala rin sa tawag na Hello Kitty Land, ay matatagpuan sa tama New Town sa North Tokyo.
Wala namang natagpuan kahina-hinalang mga bagay ang mga otoridad nang inspeksyunin nila ang parke ni Hello Kitty na pinakasikat at kilalang japanese brands of all time.