15 March 2025
Calbayog City
Province

4 patay; 3 iba pa, sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa bangin, sa Negros Oriental

truck

Labing apat ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang truck sa bangin sa bayan ng mabinay sa Negros Oriental.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Mabinay Police, nawalan nang kontrol sa manibela ang driver nang truck dahilan para bumulusok ang sasakyan sa bangin sa Sitio Tubod, sa Barangay Bulwang.

Galing umano ang mga biktima sa bayan ng Mabinay at patungo sa kabilang barangay para bumili ng mga hayop sa bukid nang mangyari ang aksidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *