KABUUANG 5,840 na mahihirap na pamilya sa Eastern Visayas ang lumahok sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapagaan ang epekto ng Food Insecurity at kakapusan ng tubig ngayong taon.
Ayon sa DSWD Eastern Visayas, saklaw ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ang dalawampung bayan sa apat na lalawigan sa rehiyon.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Nagsasagawa ang DSWD ng comprehensive training na kinabibilangan ng Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, rehabilitasyon ng water systems, communal gardening, vermicomposting, at hydroponics.
Kabilang sa mga sakop na lugar ang Almagro, Matuguinao, Sta. Margarita, Catbalogan City, at San Jose de Buan sa Samar province; Catubig, Gamay, Lapinig, Silvino Lubos, at Lope de Vega sa Northern Samar; Oras, Dolores, Jipapad, San Policarpo, at Maslog sa Eastern Samar; at San Ricardo, Bontoc, Silago, Sogod, at Libagon sa Southern Leyte.
