HALOS limang milyong turista mula sa iba’t ibang bansa ang bumisita sa Pilipinas, simula Enero hanggang Oktubre.
Batay sa tala ng Department of Tourism (DOT), kabuuang 4.88 million foreign tourists ang dumating sa bansa sa unang sampung buwan ng taon.
Gayunman, malayo pa ito sa target ng ahensya na 7.7 Million tourist arrivals para sa taong 2024.
Sa nakalipas na statements ng DOT, kabilang sa top sources ng mga turista sa Pilipinas ay mula sa South Korea, United States, China, Japan, Australia, Taiwan, Canada, United Kingdom, Singapore at Malaysia.
Noong nakaraang taon, mahigit 5.45 million international visitors ang dumating sa Pilipinas.