Inaasahan ng Department of Migrant Workers (DMW) na makatatawid sa Rafah Border sa Egypt sa lalong madaling panahon ang tatlumpu’t siyam (39) pang Pilipino na nananatili sa Gaza.
Sinabi ni DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac na batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), 71.5% o 98 mula sa 137 na mga Pinoy na naka-base sa Gaza ang nailikas na sa Egypt, at ang iba sa kanila ay nakauwi na sa Pilipinas.
Ang unang batch na ni-repatriate mula sa Gaza ay nakabalik na sa Pilipinas noong biyernes, at binubuo ito ng tatlumpu’t apat na pinoy at isang Palestinian spouse.