KABUUANG dalawampu’t siyam na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nahaharap sa mga reklamo matapos masaktan ang animnapung pulis na nagpapatupad ng arrest warrants laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sa press conference, sinabi ni Police Regional Office (PRO 11) Spokesperson, Police Major Catherine Del Rey, na sinampahan ang KOJC members ng mga kasong obstruction of justice at direct assault.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Aniya, ang iba sa mga kinasuhan ay nasa Davao City Police Office Custodial Facility at nagpo-proseso na ng kanilang piyansa.
Inihayag ni Del Rey na animnapung pulis ang nasaktan sa police operation at sa ngayon ay nagpapagaling na sa mga tinamong injuries habang mayroong dalawang miyembro ng KOJC na nasaktan din sa naturang operasyon.
