LABINSIYAM katao ang nasawi sa na Russian missile at drone attack na tumama sa isang apartment building sa Western Ukraine City na Ternopil.
Ayon sa Ukrainian officials, animnapu’t anim naman ang nasugatan sa magdamag na pag-atake sa Ukraine na ang target ay energy at transport infrastructure.
Dahil dito, napilitan ang Ukraine na putulin ang supply ng kuryente sa ilang mga rehiyon sa kabila ng malamig na temperatura.
Batay sa impormasyon mula sa mga opisyal, mahigit apatnaraan at pitumpung drones at apatnapu’t walong missiles ang pinakawalan ng Russia.




