14 November 2025
Calbayog City
Local

Halos 13 million pesos, ibinayad ng DSWD sa mga estudyante sa Region 8 na lumahok sa Tutorial Program

NAGLABAS ang Department of Social Welfare and Development ng 12.92 million pesos para sa mga college students na tumulong sa kanilang Reading Tutorial Program sa Leyte at Samar.

Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua na 1,512 college students mula sa limang campuses sa rehiyon ang tumanggap ng kanilang Cash-for-Work pay matapos lumahok sa dalawampung araw na “Tara, Basa!” Sessions simula May 19 hanggang June 13.

Ayon kay Chua, bawat estudyante sa kolehiyo ay tumanggap ng kabuuang 8,550 pesos, batay sa umiiral na Regional Minimum Wage.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).