15 January 2026
Calbayog City
Local

Halos 100 taong gulang na Ormoc Maternity Hospital, ipinasara!

IPINAG-utos ng Ormoc City Government ang pagsasara ng halos isandaang taong gulang na Ormoc Maternity and Children’s Hospital.

Bunsod ito ng iba’t ibang paglabag ng pagamutan sa Memorandum of Agreement sa lokal na pamahalaan, ayon kay Mayor Lucy Torres-Gomez.

Sinabi ng alkalde na ang pagpapasara ay nag-ugat sa kabiguan ng ospital na magampanan ang obligasyon nito sa ilalim ng kasunduan na pagsilbihan ang mahihirap na ina at mga bata ng Ormoc bilang Civic and Charitable Institution.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).