SUMADSAD ang piso sa 60 pesos per dollar level sa unang pagkakataon kahapon, kasabay ng pagsirit ng global oil prices sa gitna ng tumitinding kaguluhan sa Middle East.
Nagsara ang palitan kahapon sa 60 pesos and 1 centavo per dollar mula sa 59 pesos and 52 centavos per dollar noong Miyerkules.
Ito na ang pinakamahinang performance ng local currency matapos malagpasan ang dating record-low na 59 pesos and 87 centavos per dollar noong March 16.
Kasunod ito ng pag-akyat ng benchmark crude prices ng 5% o mahigit 108 dollars matapos targetin ang Pars gas field ng Iran kahapon.




