UMABOT na sa mahigit 454 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng Bagyong Crising at Habagat.
Sa update mula sa Department of Agriculture, nakapagtala na din ng halos 21,000 na magsasaka na apektado at mahigit 20,400 na ektarya ng panamin ang napinsala.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Kabilang sa nasirang mga pananim sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas ang mahigit 275 million pesos na halaga ng palay, mahigit 38 million pesos na halaga ng pananim na mais at mahigit 117 million pesos na High Value Crops.
Nakapagtala din ng 6.19 million pesos pinsala sa Livestock at Poultry kung saan 1,150 na alagang hayop ang naapektuhan.
Mayroon ding 543 na mangingisda ng naapektuhan at may mga nasirang Fish Pen at naapektuhan ng mga alagang tilapya, hito, bangus, at iba pa na aabot sa 9.20 million ang halaga.