23 November 2024
Calbayog City
National

Halaga ng pinsala ng Bagyong Enteng at habagat sa imprastraktura, lumobo na sa halos 700 Milyong Piso

LUMOBO na sa halos pitundaang milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng nagdaang Bagyong Enteng at pinaigting na hagabat sa anim na rehiyon sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa latest situational report, ang Bicol Region ang nakapagtala ng pinakamalaking infrastructure damage na umabot na sa 356.1 Million Pesos.

Sumunod ang Cagayan Valley na may 111.9 Million Pesos at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 50.3 Million Pesos.

Sa kabuuan, mahigit limandaang imprastraktura sa bansa ang nakapagtala ng 698.9 Million Pesos na halaga ng pinsala.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).