MABAGAL ang naging pagsisimula ng Metallic Minerals sector ngayong taon, kung saan bumaba ang production value ng 12.76 percent sa unang quarter, bunsod ng tinapyasang presyo at binawasan ng mine output, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR, bumagsak ang halaga ng Domestic Metallic Mineral Production sa 51.81 billion pesos simula Enero hanggang Marso.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Mas mababa ito ng 7.58 billion pesos kumpara sa 59.39 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinangunahan ng gold ang Total Metallic Production na nakapagtala ng 52.01 percent o 26.95 billion pesos, sumunod ang Nickel Ore and By-Products na nasa 33.78 percent o 17.5 billion pesos.