GALIT na galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makaraang madiskubre na hindi pa naitatayo ang 55-million peso Riverwall Project sa Barangay Piel sa Baliuag, Bulacan.
Bumisita ang pangulo sa gitna ng reports na hindi pa nasisimulan ang konstruksyon ng istruktura sa lugar.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Batay sa mga dokumento mula sa Department of Public Works and Highways, noong Pebrero pa dapat sinimulan ang 220 meters na proyekto subalit nang inspeksyunin ito ng pangulo, kahapon, ay wala pang nasisimulan kahit fully paid na.
Sinabi ni Pangulong Marcos na dahil sa mga fictitious project, magsasampa ang gobyerno ng kasong Economic Sabotage laban sa mga sangkot na Contractor at indibidwal.
Una nang inamin ng DPWH na mayroong mga “Ghost” Flood Control Projects at nangakong iimbestigahan ang mga ito.