ISASARA ang dalawang outer lane sa southbound ng Mindanao Avenue simula sa June 29, 2024.
Ito ay para bigyang daan ang konstruksuon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
ALSO READ:
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), makararanas ang mga motorista ng pagbagal sa daloy ng traffic sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa pagitan ng Congressional Avenue at Tandang Sora Avenue.
Ang mga light vehicles ay maaring dumaan sa bagong gawang diversion road.
Pinapayuhan din ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta para maiwasang maabala.
