SASABAK si World No. 4 Pole Vaulter EJ Obiena sa Mondo Classic sa IFU arena sa Uppsala, Sweden, sa Huwebes.
Ito’y bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na outdoor season na kanyang sasalihan sa Xiamen, China sa April 26.
Sinabi ni Obiena na itinuturing niya ang Mondo Classic bilang tune-up game kaya hindi niya kailangang stress-in ang kanyang sarili.
Makalipas ang mahigit apat na buwang pag-recover mula sa stress fracture sa spine, nagbalik ang aksyon ng Filipino olympian para mag-qualify sa World Indoor Athletics Championships sa Nanjing, China.
Anim na kompetisyon ang kanyang sinalihan subalit nabigo siyang ma-clear ang qualifying mark na 5.85 meters.