15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Libo-libong Palestinians, binalikan ang kanilang lugar sa Khan Younis, sa Gaza

LIBO-libong Palestinians ang bumalik sa kani-kanilang  mga tahanan sa Khan Younis sa Gaza, matapos i-pullout ng Israel ang kanilang tropa sa naturang lungsod.

Gayunman, sa pagbabalik sa kanilang lugar, nalalanghap ng mga residente ang amoy ng kamatayan sa hangin, dahil ilan sa mga bangkay ay nananatiling nakalibing sa ilalim ng mga gumuhong istruktura dahil sa giyera.

Sa paglalarawan ng mga residente, napakalawak ng naging pinsala ng digmaan na kahit ang mga hayop ay hindi makakayang tumira sa lugar.

Mayroon ding nagsabi na mistulang tinamaan ng napakalakas na lindol o delubyo ang Khan Younis, at wala nang mga bahay na maari pang tirahan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *