SUGATAN ang isang public school teacher matapos bugbugin ng isang estudyante sa bayan ng Mondragon, sa Northern Samar.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente 12:20 ng madaling araw, kahapon, sa Sitio Banika, sa Barangay Bungko.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Binugbog umano ang kwarenta’y singko anyos na guro na kinilala lamang sa pangalang “Rohel” habang nakikipag-inuman.
Naging agresibo umano ang suspek na si alyas “Jari,” disi nueve anyos, grade 11 student mula sa Barangay Zone 1 sa bayan ng San Roque.
Bigla nalang hinampas ng teenager ang guro sa mukha gamit ang plastic tumbler saka pinagsusuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay at itinurnover sa Mondragon Municipal Police Station ang suspek.
Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng estudyante sa pananakit sa guro.
