3 July 2025
Calbayog City
Local

Guiuan Municipal Mayor Annaliza Gonzales-Kwan, Nangakong paiigtingin pa ang pagsisilbi sa huling termino

Guiuan Municipal Mayor

Nangakong mas paiigtingin pa ni Guiuan Municipal Mayor Annaliza P. Gonzales-Kwan ang kanyang serbisyo sa kanyang huling termino sa ginanap na Inauguration & Oath Taking Ceremony of Newly Elected Public Official sa Guiuan sa Eastern Samar, July 1, 2025.

“I will be working as your mayor with the best of all I have because this is what you deserve. The people of Guiuan deserve no less,” saad ni Mayor Kwan.

Ang panunumpa ni Mayor Kwan ay pinangunahan ni 4Ps Party-list Representative Hon. Marcelino “Nonoy” Libanan.

Sa kanyang talumpati, taos-pusong nagpasalamat ang alkalde sa kanyang mga kababayan sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal, at sa walang-sawang suporta sa kanyang grupo, ang Team Padayon at Team Solido Para Progreso. 

Mula nang una siyang maluklok bilang municipal mayor noong 2004, binigyang-diin ng alkalde na ang lahat ng tagumpay ng kanyang administrasyon ay bunga ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mga Guiuananon.

Hinimok niya ang lahat na kalimutan na ang pulitika at sa halip ay pagtulungan ang pagsasakatuparan ng mga plano para sa bayan.

“Human na an piniliay, human na an pagburublagay, panahon na hin pagkaurusa. Ngahaw base an aton mga hingyap para han aton mg anak, para han aton bungto nga Guiuan in magkatutuman.”

Ipinagmalaki rin ni Mayor Gonzales-Kwan ang mga kasalukuyan at nakatakdang proyekto ng LGU kabilang ang pagpapaayos ng pampublikong sementeryo, pantalan, at municipal wharf.

Nangako rin siya ng solarization para sa mga isla na wala pang kuryente, at pagpapaayos ng sistema ng suplay ng tubig at kuryente sa buong bayan.

Nabanggit din ng alkalde ang ilan san mga proyektong ipinangako nina Congressman Marcelino Libanan at Congressman Sheen Gonzales katulad ng Tubabao Bridge at circumferential road ng Homonhon Island.

Hinimok niya ang bawat Guiuananon na araw-araw piliin ang bayan.

“…kinahanglan naton pilion an aton mga anak, an aton mga kag-anak, an aton mga pamilya, an aton kabaranggayan, an aton pagtoo ngadto sa Diyos—kada-adlaw kinahanglan naton an Guiuan… nagtutug-an ako ha iyo nga pipilion ko pirme iton Guiuan,” saad ng Alkalde.

Binigyang-diin ng alkalde na ang pag-unlad ng Guiuan ay hindi titigil sa pagtatapos ng isang termino.

“this may be my last term as mayor but Guiuan’s future does not end with me. Diri natatapos an istorya han mga Guiuananon kun may nahuhuman nga termino. Our life goes on. Our stories continue to be written. This is why we have to give our best with the time and opportunity entrusted to us. What we do and choose now will be part of the greater story of the Guiuananon…. Sanglit ini nga aton pagpadayon yana, akon kamo gin-aaghat, let us choose Guiuan. Guiuan, bungto ‘ta, padayon nga higugmaa ‘ta,” pagtatapos ni Mayor Gonzales-Kwan.

jm somino

Editor
JM Somino is a news contributor who writes both straight news and pieces focused on travel and inspiration. With experience in leadership and teaching, he manages the JM Travel & Inspiration social media accounts, where he shares content that motivates and encourages others