PAGKATAPOS ng matagumpay na protesta sa EDSA People Power Anniversary, ikinakasa na muli ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang panibagong pagkilos kontra korapsyon.
Ayon sa grupo, isang malawakang anti-corruption protest ang pinaghahandaan na ngayon ng kanilang grupo.
ALSO READ:
- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
DFA, nagbabala sa paglalagay ng unauthorized stamps sa pasaporte
Ito ay para patuloy na ipanawagan ang accountability matapos ang anila ay premature dismissal sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak din ng grupo na patuloy nilang babantayan at tutukan ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng grupong BAYAN na hindi sila titigil sa paggigiit na papanagutin ang lahat ng mataas na opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon.
