NANAWAGAN ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Tacloban-Leyte Inc. sa Regional Development Council (RDC) sa Eastern Visayas para sa agarang rehabilitasyon at structural upgrading ng Calbiga Bridge sa Samar.
Umapela si PCCI Tacloban-Leyte President Eugene Tan kay RDC Chair at Leyte Governor Carlos Jericho Petilla na i-endorso ang kanilang request sa Concerned National Government Agencies at sa Office of the President.
Sinabi ng grupo na nagsilbing welcome development para sa business at logistics sectors ang itinaas na load capacity ng mga sasakyan na pinayagang tumawid sa San Juanico Bridge.
Sa liham ng grupo na may petsang Dec. 29, 2025, tinukoy nila na naging critical bottleneck ang umiiral na limitasyon sa Calbiga Bridge.
Dahil sa kasalukuyang limitasyon sa tulay, napipilitan ang mabibigat na truck na gumamit ng alternate routes na nasa 250 kilometers o gumamit ng RORO shipping, at karagdagang 10,000 pesos hanggang 15,000 pesos per trip sa logistics expenses.
Mabigat umanong pasanin ito para sa mga negosyante, contractors at suppliers na nag-o-operate sa Eastern Visayas at iba pang mga rehiyon na umaasa sa Calbiga Bridge bilang pangunahing transport link.




