SINUSPINDE ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, ngayong Lunes, bunsod ng masamang panahon at pagbaha.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Kabilang din sa mga nagsuspinde ng klase, all levels (private and public), ang Catbalogan City at bayan ng Sta. Margarita.
Samantala, ipinag-utos ni Samar Governor Sharee Ann Tan sa pamamagitan ng Executive Order ang suspension ng klase sa pre-school, elementary, at secondary (junior and senior) levels sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan, dahil sa Shear Line at Easterlies.
