NAKAPAGTALA ng 25 percent na paglago ang Gross Gaming Revenue (GGR) noong 2024 sa kabila ng ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), umakyat sa 410 billion pesos ang GGR noong nakaraang taon mula sa 329 billion pesos noong 2023.
Nag-ambag ang Brick-And-Mortar Casinos ng 201 billion pesos habang ang E-Bingo Sector ay lumobo ng 165 percent sa 154.41 billion pesos.
Sinabi ni PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Alejandro Tengco Jr. na bahagi ng matatag na performance ng local gaming industry ang strategic policy adjustments na kanilang ipinatupad, gaya ng unti-unting pagbabawas ng fee rates sa e-games simula noong 2023.