TUMAAS ang Gross Borrowings ng National Government noong Enero, bunsod ng nadagdagang Domestic Debt.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, ang kabuuang utang sa unang buwan ng 2025 ay lumobo ng 4.92% o sa 213.14 billion pesos kumpara sa 203.15 billion pesos noong January 2024.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Malaking bahagi ng Total Gross Borrowings noong Enero o 71.41 percent ay inutang sa loob ng bansa na naitala sa 152.2 billion pesos.
Samantala, bumaba naman inutang sa labas ng bansa ng 1.14% o sa 60.94 billion pesos at treasury bills na nagkakahalaga ng 12.2 billion pesos.