LUMOBO ng 3.48% o sa 2.65 trillion pesos ang gross borrowings ng National Government noong 2025.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, mas mataas ito kumpara sa 2.56 trillion pesos na naitala noong 2024.
Bahagya rin itong mas mataas sa 2.6-Trillion Peso Gross Borrowing Program para sa taong 2025, batay sa 2026 Budget Expenditures and Sources of Financing Document.
Sinabi ni John Paolo Rivera, Senior Research Fellow sa Philippine Institute for Development Studies, ang pagtaas ng borrowings ay maiuugnay na pangangailangan ng National Government na punan ang budget deficit at pondohan ang priority spending.




