21 July 2025
Calbayog City
Business

Government Savings Schemes, exempted sa Tax Provisions ng CMEPA

EXEMPTED mula sa Tax Provisions ng bagong Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) ang Savings Schemes na suportado ng pamahalaan.

Inihayag ng Department of Finance (DOF) na hindi applicable ang Unified Rate sa Provident Savings Programs sa ilalim ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), at Pag-IBIG Fund, gaya ng MP2.

trip

Binigyang diin ng ahensya na ang naturang Savings Program ay nananatiling exempted sa Tax.

Tugon ito ng DOF sa mga batikos laban sa CMEPA, sa gitna ng claims na saklaw din ng Tax Provisions ang Government Savings Schemes, at tinawag itong “fake news.” Idinagdag ng DOF na ang CMEPA na nagtatakda ng 20% Tax Rate sa Interest Income, ay hindi bagong buwis, kundi para itama ang hindi patas na sistema na pabor sa mayayaman.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).