KINAPOS ang Gilas Pilipinas Women laban sa World’s Eight-Best Women’s Hoops Team.
Masakit ang naging pagkatalo ng Gilas sa score na 77-74 sa Brazil sa kanilang 2026 FIBA Women’s World Cup Pre-Qualifiers Group Stage Clash, sa Rwanda.
Pinangunahan ni Jack Animam ang Gilas sa pamamagitan ng kanyang 18-point, 21-rebound game bukod sa 4 blocks, isang assist, at isang steal, sa kabila ng apat na fouls sa loob ng mahiti 31 minutes na gameplay.
Nag-standout din sa Patrick Aquino-Coached Team sina Afril Bernardino na may 14 points, 7 rebounds, 2 steals, at 2 blocks; at Naomi Panganiban na nakapagtala ng 13 markers, 5 boards, at 4 dimes.