18 January 2026
Calbayog City
Sports

Gilas Women, bigong makabawi sa ikalawang laro sa Asia Cup kontra Japan

MULING nabigo ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team sa ikalawa nilang laro sa FIBA Women’s Asia Cup, na ginaganap sa China.

Bagaman nakahabol mula 18-Point Deficit, kinapos pa rin ang Gilas Women sa koponan ng Japan, sa score na 85-82, sa Shenzhen Sports Center, sa Guangdong Province.

Pinangunahan muli ni Jack Animam ang Pilipinas sa kanyang 24 points, 14 rebounds, 3 assists, 2 blocks at isang steal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).