DUMANAS ang Gilas Pilipinas ng back-to-back losses sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Doha International Cup, kahapon, oras sa Pilipinas.
Sa halip na makabawi kasunod ng 21-point defeat sa Lebanon noong linggo, nakatikim pa ang Gilas ng paglampaso mula sa Egypt sa score na 86-55, sa QU sports & events complex sa Qatar.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Nakapagtala si Justin Brownlee ng team-high na 18 points, at wala nang ibang gilas players na naka-score ng double digits.
Sa kabila naman nito ay may ticket na ang Gilas sa Asia Cup na itinakda sa Agosto sa Saudi Arabia, matapos manalo sa kanilang first four qualifying games sa group b.
