Hindi magiging madali ang pagdadaanan ng Gilas Pilipinas para makapasok sa paris Olympics sa susunod na taon, kasunod ng draw para sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments (OQTS) na ginanap sa Mies, Switzerland.
Kasama ng Pilipinas sa na-draw ang Latvia, Brazil, Georgia, Montenegro, at Cameroon sa OQT, na ang mga laro ay gaganapin sa Riga, Latvia sa July 2 hanggang 7.
Hinati sa dalawa ang anim na koponan at makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa group a ang Georgia at ang host na Latvia.
Tampok sa FIBA OQTS ang 16 best-paced non-qualified teams mula sa FIBA Basketball World Cup 2023, pati na ang tatlong highest-ranked countries mula sa bawat rehiyon.