2 July 2025
Calbayog City
Sports

Gilas Pilipinas, ka-grupo ang Australia, New Zealand at Guam sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

MAKAKASAGUPA ng Gilas Pilipinas ang Australia, New Zealand at Guam sa Group A sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa huling bahagi ng taon.

Ginanap ang draw sa Doha na siyang magsisilbing host ng World Cup sa 2027.

Ang Pilipinas ay pang-34 sa World Rankings habang No. 7 ang Australia, No. 22 ang New Zealand, at No. 88 ang Guam.

Huling nakalaban ng Gilas ang Australia noong 2018, kung saan nanalo ang Boomers sa score na 89-53, matapos patalsikin sa court ang maraming players bunsod ng suntukan noon sa FIBA World Cup Qualifiers.

Samantala, pinayuko naman ng Gilas ang New Zealand sa huli niyang paghaharap sa score na 93-89, sa FIBA Asia Cup Qualifiers noong nakaraang taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).