INILUNSAD ng Samar Provincial Government at partners nito ang Giant Bamboo Planting upang matugunan ang climate change at maisulong ang sustainable practices.
Pinangunahan ni Governor Sharee Ann Tan ang inisyatiba na ang layunin ay palakasin ang Bamboo Industry sa loob ng Samar Island Natural Park (SINP), at makatulong na mapagaan ang epekto ng climate change at mapangalagaan ang economic growth.
Nakiisa rin ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya sa paglulunsad ng naturang proyekto sa tanggapan ng sinp sa Bayan ng Paranas.
Ayon kay Forester Wilfredo Lacambra ng Samar Provincial Environment and Natural Resources Office, ang giant bamboo, na kilala rin bilang dragon bamboo, ay itatanim sa pitong project sites sa limang bayan na kinabibilangan ng Basey, Sta. Rita, Matuguinao, Gandara, at San Jorge.