HINILING ni Manila Mayor Honey Lacuna sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na dagdagan ang historical markers sa lungsod bilang pagkilala sa mga bayaning nag-ambag sa kanilang mayamang kasaysayan.
Sa 453rd Anniversary ng Battle of Bangkusay sa Plaza Moriones sa Tondo, nanawagan ang alkalde sa NHCP na magtayo pa ng mga markers bilang parangal kina Rajah Soliman, Rajah Matanda, Lakandula, at iba pa.
Tinukoy ni Lacuna ang mga kontibusyon ng mga bayani mula sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan na nakipaglaban kasama ang mga tubong Maynila laban sa pananakop ng mga kastila, apatnaraan limampu’t tatlong taon na ang nakalipas.