SINALAKAY ng armadong kalalakihan ang Coastal City ng Guayaquil sa Ecuador na ikinasawi ng siyam katao at ikinasugat ng sampung iba pa.
Ayon sa pulisya, pumasok ang armadong grupo sa Pedestrian Street lulan ng isang sasakyan saka pinagbabaril ang mga naglalaro ng sports.
Wala pang grupo na umaako sa pag-atake, bagaman ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng mass killing sa south american country sa mga nakalipas na araw.
Noong biyernes ay lima katao ang dinukot at pinatay sa Coastal Province ng Manabi ng armadong kalalakihan.