KAHIT nagpapagaling pa mula sa dehydration, itinuloy ni Gary Valenciano ang second night ng kanyang “Pure Energy: One More Time” Concert, noong linggo, sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Matatandaan na maagang natapos ang unang gabi ng concert ni Gary V. noong Biyernes, matapos sumama ang kanyang pakiramdam.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinimulan ni Mr. Pure Energy ang kanyang show, noong linggo, sa “Shout For Joy” kung saan ang kanyang entrance ay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang pit, sa gitna ng stage.
Aksidente namang nadulas si Gary V. sa kanyang entrance at kinailangan niyang i-check ang kanyang sarili, pati na ang mikropono.
Tila hindi naman ito nasaktan, at sinimulan ang kanyang performance na masigla at walang senyales ng sakit o panghihina subalit kalaunan ay humupa rin ang kanyang energy.
