Suportado ni United Sugar Producers Federation President Manuel Lamata ang desisyon na mag-angkat ng asukal sa “gap” sa pagitan ng El Niño at tag-ulan.
Sinabi ni Lamata na nakakaawa ang sinapit ng mga pananim dahil sa epekto ng tagtuyot, kaya hindi nya alam kung makakarekober pa ang mga ito kahit umulan.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Aniya, ngayon lang siya nakaranas ng ganitong klaseng panahon na tila nasunog ang mga pananim kaya hindi siya sigurado kung makakabawi pa ang mga magsasaka.
Tiwala naman si Lamata na magsisimula ulit magtanim ang mga magsasaka sa sandaling dumating ang tag-ulan subalit mayroong “gap” habang naghihintay na maka-ani, kaya maaring pumasok sa merkado ang imports sa naturang panahon.