SIYAMNAPU’T apat ang patay, kabilang ang mga bata habang dalawampu’t anim na iba pa ang nawawala makaraang lumubog ang sinasakyan nilang ferry boat sa Nothern Coast ng Mozambique.
Ayon sa administrador ng maritime transport institute ng bansa, ang lumubog na barko ay overloaded fishing boat at walang lisensya para magbiyahe ng mga pasahero.
Sa inisyal na ulat, ihahatid ng barko ang isandaan at tatlumpung pasahero mula sa lunga sa Nampula Province patungong Mozambique island nang hampasin ito ng malalakas na alon.
Tinatakasan umano ng mga pasahero ang cholera outbreak sa kanilang lugar kaya sila umalis.