31 March 2026
Calbayog City
Local

“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo

NAGTIPON-tipon ang young artists at mga residente sa isang Youth-led Community Mural Initiative, na tinawag na “Pintahang Pagkakaisa,” sa Tacloban City, para isulong ang nasyonalismo sa pamamagitan ng public art.

Sa pangunguna ng youth group na Amare Et Caritas, sa pakikipagtulungan ng Joint Task Force Tacloban ng Philippine Army at iba pang stakeholders, layunin ng dalawang araw na aktibidad na nagtapos kahapon na pagyamanin ang patriotism, unity, and civic responsibility sa pamamagitan ng collaborative mural painting.

Sa temang “Lupa Ng Araw, Bayang Di Pasisiil,” lumikha ng murals ang mga participant sa slope protection wall sa kahabaan ng Congressman Mate Avenue.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live