WINAKASAN ng hepe ng pulisya sa isang maliit na bayan sa Central Mexico ang sarili nitong buhay bago pa man dakpin ng mga awtoridad, bilang bahagi ng corruption raids.
Ang malawakan at halos sabay-sabay na raids, na tinawag ng mga opisyal na “operation swarm,” ay nangyari sa dalawang rural towns sa State of Mexico, kanluran ng Mexico City, pati na sa dalawang matataong lugar sa dulo ng kabisera ng bansa.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Ayon sa state prosecutors, pinatay ng Police Chief sa Texcaltitlan ang sarili, sa pamamagitan ng kanyang baril habang malapit na siyang arestuhin ng marines, national guard, at mga sundalo, bunsod ng hindi tinukoy na kaso.
Dinakip din ng mga awtoridad ang Mayor ng katabing bayan ng Amanalco dahil sa iba’t ibang kaso, gayundin ang hepe ng pulisya sa Tejupilco habang ikinulong ang police chief at isa pang local official ng isa pang bayan.
