DALAWA ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa pagbagsak ng isang civilian helicopter sa Pililla, Rizal, kaninang umaga.
Ayon sa Rizal Police Provincial Office, naganap ang aksidente 7:27 am sa Upper Barak, Barangay Quisao.
Sa inisyal na imbestigasyon, lima ang sakay ng helicopter na agad na isinugod sa Rizal Provincial Hospital sa Morong.
Patuloy namang inaalam ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.




